Ang Aking TalambuhayJust SMILE!!
Socrius
read my profile
sign my guestbook

Visit Socrius's Xanga Site!

Name: Erik
Country: Philippines
Metro: Manila
Birthday: 3/23/1990
Gender: Male


Interests: KALIGAYAHAN
Expertise: Anything... name it...
Occupation: Student


Message: message me
Website: visit my website
Yahoo: drunken478


Member Since: 7/25/2005

SubscriptionsSites I Read

Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site


Tuesday, September 20, 2005

At muli... TAGAL KO NA ULET DI NAGPOPOST!!! uki lang yan.. hehe.. "ARAL" kasi iniintindi ko eh... walang laro.. walang babae... ... PURO ARAL LANG!!!!

ngayon araw... martes nga ba? oo martes... inde... lunes p lng.. ay may P.E. pala.. martes nga.. ... takteng PE yan!! la kami panalo... wah... an expcted ko.. kami magiging unbeatable.. takte pansin ko.. takte ako ng takte.. takte kapal ng mukha ko pre... hehe.. basta talo kami kanila justin at cruz.. oh c'mon mamon.... 1st subject.. english... oo nga pala reporting.. wala lang skip.. walang kwenta eh.. hehe.. nxt subjct B....I.... ok nxt... mas walang kwenta... math na... yan... takte.. naalala ko tuloy kahapon.. LT namin dun.. yey!!! makaka 5 ata ako!!! out of 40 nga lang... ay.. di pa sure.. kasi Given lang yung mga nasulat ko.. so baka bigyan 1pt for the effort.. pero niweiz.. im happy... as usual.. "bawi na lang nxt time"... .... tapos ung math ngayon... hay... mga pangaasar... "HENYO" daw ako.. bsta.. kung anung mga kabalbalan.. pag di siya tumigil.. makakatikim siya sa akin.. hehehe.. matagal ko mapikon.. pero pag mapikon ako.. ewan ko n lng.. hay.. .. Comsci na.. FFFRRRRRREEEEEEEEEEEEEEEE  TTTTTTTTIIIIIIIMMMMMMEEEE!! hehe.. tapos eto na!! the Main Event!!! CHEM LONG TEST!!! nagaral ko nung lunch... A-C.. madami dami un noh!! pero anggang H kasi dapat pagaralan... ok lng un.. maka 5 pts.. ok pa din... ewan.. di ko knakabahan.. pero di din ko sigurado sa sagot ko... ok na un... "bawi n lang nxt time"... ... STR na.. MS si sir.. as in MOOD SWING... buti na lang.. dumating si mam cruz... hahaha... tumino tino.. sana araw araw anjan si mam cruz para matino si sir araw araw... HEALTH... oh well!! parts of the reproductive system.. sorry.. la akong alam...  oki nxt!! PE... un nga talo kami.. anu?? tapos na araw ko? hay...

Hay.. pagkatapos ng isang linggo matapos ang pagsuko... madami pa din nabago.. madami nangyari... ewan ko.. kuntento na ako sa ganito... ayaw ko ng umulan ulit.. gusto ko umaraw na ulet... ang lamig eh... at gs2 ko na magbasket ball..TANGA KO... TANGA KO...TANGA KO... TANGA KO...TANGA KO... TANGA KO... haha uto uto ka naman... sinasabi mo s sarili mo yan..

napansin ko lang... sa mga nakaraang buwan.. napapalayo na ako sa mga pinaka"close" friends ko (kung cinoconsider nila ko ).. c kimoi, mau, zy at kung sino sino pa... cguro maxado ako naka focus sa ka"niya"... ewan ko ba... yan nyo... matatapos din toh.. naccguro ko...

 

Song Of The Day : hay ngayon.. gusto ko na lang mabuhay.. kahit la na mapapatunguhan tong buhay ko...

I Just Wanna Live

by Good Charlotte

I need an alarm system in my house
So I know when people are
Creeping about
These people are
Freaking me out (these days)

It’s getting hectic everywhere that I go
They won’t leave me alone
There’s things they all wanna know
I'm paranoid of all the people I meet
Why are they talking to me?
And why can’t anyone see

I just wanna live
Don’t really care about the things that they say
Don’t really care about what happens to me
I just wanna live
Just wanna live [x7]

I rock a
Lawsuit when I’m going to court
A white suit when I’m gettin’ divorced
A black suit at the funeral home
And my birthday suit when I’m home alone
Talkin’ on the phone
Got an interview
With the rolling stone
They’re saying
“Now you’re rich and
Now you’re famous
And fake ass girls all know your names and
(Lifestyles) of the rich and famous
Your first hit are you ashamed?”
Of the life [x2]
Of the life we’re livin’

I just wanna live
Don’t really care about the things that they say
Don’t really care about what happens to me
I just wanna live

Stop your messin’ around boy
Better think of your future
Better make some good plans boy
Said everyone of my teachers

Lookout
You better play it safe
You never know what hard times will come your way
We say
Where we’re coming from
We’ve already seen
The wealth that this life can bring

Now we’re expected everywhere that we go
All the things that they say
Yeah we already know

I just wanna live
Don’t really care about the things that they say
Don’t really care about what happens to me
Just wanna live [x3]

I just wanna live
Just wanna live [x3]

I just wanna live
Just wanna live [x3]
Don’t really care about the things that they say
Just wanna live [x3]
Don’t really care about what happens to me

I just wanna live


Monday, September 12, 2005

Tagal na naman ako di nagpopost ha!! hay... kwento ko na lang pangyayari last week

Last week.. nagpractice lang kami sa cheering... un lang...

ah nung biyernes nga pala.. nadapa ko sa backlobby... nakita ni SirG at SirSanty... hay... pinagtawanan ba ako... tuloy pa din legacy ko...

Pero iyon.. nung friday.. dito kami nagpractice sa gym sa village namin... at 7 ang natulog sa bahay ko... si Arce, Reynald, Axel, Don, Rv, Jonas at ang dakilang SUMAGANG .. basta nadapa din ako nung nagpapractice kami kaya napilay din ako.. wahehe.. ... bsta la naman masyadong ginawa.. nagdala lang si reynald ng PS2... at tumatakas lang kami sa isang kwarto... nahuli nga kami.. sabi kasi ng nanay ko.. bakit daw nangonti ung nakahiga.. sabi ko yung isa umiihi... eh pagcheck nya sa kwarto ng kapatid ko.. naglalaro sila axel, reynald at suma.. hule.. pro di nagalet.. .. whew... basta pagtapos nun.. natulog na lahat... pagising the next.. eto na... the "Day"... Family day na..

Nung umaga.. dumaan kami sa office ng mum ko para kunin ung mga arc para sa batch namin... NOTE pra sa 06 : WALANG GINASTOS ANG 07 KASI NANAY KO LANG GUMAWA NUN!!! niweiz... medyo pilay pero tiisin lang.. nga pala.. la pala ko nakuhang damit pang cheering.. buti anjan si eski... kakainis.. pinasuot pa kami ng pangbabae na shorts.. ung masikip.. ok lng.. para sa 07 nman.. hehe..

basta eto na.. cheering na.. kami unang magpresent... at sana la mali.. at iyon.. smooth nman ang daloy ng presentation.. ang ganda daw ng pyramid namin.. sayang di ko nakita... ako kasi ung nasa harapan.. wahehee... at iyon.. natapos na...

kami 1st sa cheering, model batch at overall... isa lang di namin nakuha.. attendance.. pero ok lang un... 3 out 4 award... NOt bad... at sorry nga pala sa iba dyan na di matanggap ang pagkatalo... hay...

ngayong araw.. hay.. nalate ako sa pagpasok.. ok lang.. ang tagal naman kasi ng flag ceremony... daming awards... dahil sa humanities week.. muntikan pa kaming walang pasok... transpo strike... sayang nga.... pero wala naman tlga masyadong nangyari ngayon.. kundi pro pangaasar ng ibang tao.. pero si jojie.. di ko lam kung nangaasar o tumutulong... masyado lang talaga ako naapektuhan.. hay.. papaano ba kasi.. sabi ko di ko na siya papansin.. pero anu ngyari... pinapansin ko pa din siya... di ko naman mapipigilan iyon eh... ang lakas "niya" kasi eh!! wala lang.. pero im trying!!

dahil siguro dito.. kaya.. ewan.. boring tong blog ko ngayon... hay...

HIGHLIGHT OF THE DAY :

wala akong highlight... kasi... nabuhay lang akong araw na ito para lang mabuhay...

Song Of The Day : eto siguro kanta ko ngayon.. kasi ewan... minsan ang buhay ko.. maaraw... as in parang payapa na walang problema.. pero may panahon din na umuulan... umuulan ng luha.. kalungkutan... gusto ko na ulit masubukuan na umaaraw.. matagal tagal ko na din tong di nararanasan.. hay... salamat Lord...

Umaaraw, Umuulan

by Rivermaya

Hindi mo maintindihan 
Kung ba’t ikaw ang napapagtripan 
Ng halik ng kamalasan
Ginapang mong marahan ang hagdanan
Para lamang makidlatan 
Sa kaitaas-taasan, ngunit 

Kaibigan 
Huwag kang magpapasindak 

Kaibigan, 
Easy lang sa iyak 

Dahil wala ring mangyayari 
Tayo’y walang mapapala 
Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan 

May panahon para maging hari 
May panahon para madapa 
Dahil ang buhay natin ay sadyang ganyan 

Umaaraw, umuulan
Umaaraw, umuulan
Ang buhay ay sadyang ganyan 

Umaaraw, umuulan 

Wag kang maawa sa iyong sarili 
Isipin na wala ka nang silbi 
San’ dambuhalang kalokohan 

Bukas sisikat ding muli ang araw 
Ngunit para lang sa may tiyagang 
Maghintay............ 

Kaibigan, 
Wag kang magpapatalo 
Kaibigan, 
Itaas ang noo


Sunday, September 04, 2005

Tagal na din ako di nag post ha... hay... sarap mabuhay.... ewan ko kung bakit pero masarap eh... mmmhhmmm... linamnam.... 06:41 na pala...

ayon... sawing palad na naman ko... hay... kahit kailan malas tlga... .. sa babae.. sa pera... kahit nga sa presentation... ngayong linggo.. sobraaang bc kami... kasi nagpapraktis para sa filipino presentation...araw araw nasa school kami... gigising ng maaga... papasok para lang sa pinoy.. tapos tapos.. mmya ko kwento... basta iyon halos la ginagawa.... tambay sa comsci room.... dun kasi kami nagpapraktis eh... oh well... yan tlga pakinabang ng comsci advisor.... kahit minsan la pakinabang ... basta dun lang kami para matulog.... hmmmm... mga nangyari ngayong linggo...

Wednesday.... hmmmm... kalimutan ko na... okey the next day...

ay di pala... eto pala ung PE day... yung basta may relay.... kasali ko dito.. yung sac race... at dpat ung pagshoot din nung bola... pero may pumalet.... tapos buti nga... ung pumalet di din nakatira kasi bawal din ... kaya si sir petri ang tumira... at di yata nacompute masyado ni sir ung wind direction, force, height, gravity, velocity at kung anu anu pa... kaya inabot siya ng mga 10+ shots... hay ok lng yan sir petri... basta 3rd daw kami... tapos bago nga pala yon... kumaen kami sa field... kasi ung bario fiesta

Thursday... Machismo day! yeah... tama narinig nyo... eto ung day na magiging tunay na lalake ako.. yes... tama yan... tunay na lalakwe... ... basta yon... pasok ng maaga para punta sa symposium para sa socsci.. hay... la ako naintindihan... kasi in the first place.. la na ako dun.. nagsign lang ako ng attendance tapos labas na.. .... tapos libot libot sandali... ACLE na... machismo... yah... machismo.. tama naririnig nyo! MACHISMO... wala nman kwenta.. pro kabalbalan... tama na nga..

Friday... hmmm... anu nga ba toh... ah oO!!! career fair!!! wippeee.... basta iyon... dinaan ko sa mga koneksyon... wahehehe... una pumunta kami sa lecture ng ADmu.. pro after nun.. dnoctor n nmin lahat.... hehehe... para may ticket agad sa Rivermaya... dumekwat nga din pla ko ng mga sticker ng admu... kasi ako ung in-charge..... kaya pag may mga kulang sa sticker... binibgyan ko... at di nyo akalain.. pati si "2nd" nabigyan KO! ... iyon... happy na ko... at bday nga din pala ni jon mark nung araw na iyon... sa concert.. kasama ko mga Mg... cla caringal, Rv, reynald, jasper at ervin... at naging masaya siya... RIVeRMAYa.... heh... kulitan kami ni joriel at labidabs nya na si jackie... hehe... tulakan ng pwet... akbay akbay kay iel... basta.. ang kulet... at masaya...

Saturday.... the presentation day... dumating ko... 8:30 na... maaga noh?? hehe ako pa?!.. i mean kami pa??! assembly time namin 7:00... okey lang un... hehe.. pero parang mga 9:00 na din naayos... basta iyon.. so far... maganda naman nagagawa namin... pwede na kami umabot sa 6th place sa pinapakita namin... at oo nga pala.. ganda ng mga damit namin nung araw na iyon... sabi ng iba... damit ko daw pinakamaganda sa lahat... wahehe... ... at ayos hairstyle ko.. kahit labag sa kalooban ko ung ginawa ko.. ok lang.. INALIS KO UNG GEL KO! at linagyan ng tali buhok ko... pero ayos na iyon... mnsan mnsan lang naman eh... tapos iyon... presentasyon na namin... mejo natagalan sa umpisa.. pero di nman ako nagkamali sa mga timing o kung anu man.. ang mali lang namin... kulang sa buhay... kulang sa shakers... ata? basta iyon... at eto na... sinasabi na ang mga nanalo... for 3rd place... sabi ko sa sarili ko.. hay.. kami na toh cguro...

Santiago: Lithium!!!

Wow... la nagexpect mananalo lithium... di hamak mas maganda ang sodium... pero hay... eto na inaanounce 2nd place...

Santy: Magnesium!!!

oh man... Mg?? mas maganda "daw" amin kesa dun... wow.. kami ata 1st place? hehe... cguro nga..

Santy: Cesium!!!!!!

kaboom.... nagunaw ang mundo ng mga Pota .... after all... for fun lng nman un.. kaya ok lang sa akin... hay... heheh... ok na yon... experience naman ang habol... hehe...basta after nun... may cheering practice kami... at after nun.. nagkayayaan sa Sm... counter daw kami... 7 kami pumunta... ako, jojie, jao, domo, Rv, reynald at arce... saya naman... naglaro kami mga 2 hrs... tapos yon kain ice monster... at nagkahiwalay na... nagkita kami ng tatay ko.. at nagintay ng 1 1/2 hr... bago pumasok ng cnehan... at hay.... ewan ko ba... anggang sa sinehan ba naman nagkita pa din kami ng math department?! hay... di talaga ko tinantanan... akalain mo umupo pa sa likod namin... hehe... pinanood nga pala namin longest yard... ayos naman...

ngayon... hay... la ginawa.. kundi mag gunbound... pahinga day eh...

basta... etong linggong ito.. puno ng kaligayahan.. at pati na rin luha... dahil cguro kay "niya"... hay nabanggit n naman siya...basta iyon... dami ngyari sa amin... at natapos din ng malungkot... hay... Sumuko ako!! hay... ....

Song of the Day:

Kisapmata

by Rivermaya

Nitong umaga lang, pagka lambing lambing
Ng 'yong mga matang hayop kung tumingin
Nitong umaga lang, pagka galing galing
Ng 'yong sumpang walang aawat sa atin

Chorus:
O, kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang, o ba't bigla namang nawala
Daig mo pa ang isang kisapmata

Kanikanina lang, pagka ganda ganda
Ng pagkasabi mong sana'y tayo na nga
Kanikanina lang, pagka saya saya
Ng buhay kong bigla na lamang nagiba

~Chorus~

Nitong umaga lang, pagka lambing lambing
Nitong umaga lang, pagka galing galing
Kanikanina lang, pagka ganda ganda
Kanikanina lang, pagka saya saya......


Tuesday, August 23, 2005

8:25.... Walang maisip... kahit na maramin pwedeng isipin.. ayaw ko magisip! kaya nga di ko matapos tapos socsci ngayon eh... kakatamad kasi magisip...

Wala kaming pasok kahapon... kaya masaya... kwento ko muna nangyari nung sabado.... kasi ganito iyon... may swimming competition kami sa amoranto pool... tapos... dating ko 25 mins before time.... o di un... bihis.. palet... pansin ko... 9:20 la pa kalaban.. ok lang tuloy warm up... mga 9:40... ala pa din.. eh official rules pag lagpas ng 30 mins sa oras... forfeit na dapat... but since we are patient... 10:10 nagiintay pa din kami.. at tumawag ang kalaban na di sila makakapunta... sana man lang mas maaga noh.. kaya yun... umuwi na kami... hehe... napansin ko din ung mga red spots ko lumaki.... wah... scary... ang panget tlga tignan pramiz!!

magkakaroon kami party... kasi babalik na ng stets tito ko... eh 5 years since umalis papuntang stets... ngayon lang sila nakabalik... tagal kasi magka-green card... kaya iyon... basta... may party.... at alis nila hating gabi... kaya iyon.. may party kami.. at ngayon lang nabuo ung mom side ko... as in ung mga magkakapatid... ngayon lang sila ulet nabuo... at siguro huling beses na lang mabubuo... ewan.. maybe... hehe.... tapos iyon... nalaman ko ung mga red DOTS... TIGDAS HANGIN... so bawal pala ko mag electric fan... wah.. hehe...

Sunday.... umaga pa lang umalis kami papunta G4... kasi may Bday dun... wala lng... libot libot kami anggang 12... tapos umalis na din.. manonood kasi kami UAAP.... kaya iyon... punta araneta after... at nanood kasama pinsan at tatay ko... ang laban... UST vs UE... FEU vs DLSU (SalSalle).... iniisip ko bago pumasok... san kaya kami uupo? eh tatay ko UST.. school kasi nung grade school... pero after nung game na un... parehong kalaban ng ADMU ung maglalaro... so san kami uupO??? mahirap maOP.... eh naalala ko cuz ko... FEU.. buti magkatabi FEU at UST.... ang masasabi ko sa 1st game... Sayang... wahahaha.. .talo team ng tatay ko.. buti nga!!... mga pabaya kasi... 2nd game... wow... asteeg.. ganda talaga ng laro... tapos abang naglalaro eh di ako makapagdecide kung anong panig ako kakampi sa FEU ba o DLSU? eh asteeg ni arwind... FEU n lng.. eh naalala ko... schoolmate ko si Tang at Yeo... Dlsu.... nakapagdecide na ko Feu... pero ung decision ko... after the game... yung panalo na Feu... oh atlis tama ung decision ko... pero honestly.. gandang laro.. tapos yon umuwi na kami at natulog ako...

Ngayong araw... pasok sa umaga... iyon... english.... manood sana kami ng movie "Filipinas" pero... wahahahaha... buti nga... di natuloy... .... tapos BIo... hay... never mind.... tapos MATH!!! weeee... may quit... buena mano... hahahaha... la pa din... bagsak.. nagkamali eh... oh well that's life... tapos iyon discuss discuss... tagal ng math... dami sinasabi.... tapos mejo late sa comsci.. buti la ginawa pinakita lang grade.... heheh.. pero saya ko sa comsci... you wouldnt believe... hehehe... taas ng grade ko.... 2.75 .... lufet ko.... after nun... LT sa chem.... at iyon naging masaya naman.... kasi habang naglolong test ako sabi ko lang sa sarili ko... "relax" ....kaya out of 4... 1 at 2 lng sinagutan ko... worth 20 pts... at passing is 30 pts... hehehe... pero sa loob loob ko... kung dalawang items lng sinagutan ko.. at tama ung dalawang items na iyon... para sa akin... Perfect ako... kasi dalawa lang nman sinagutan ko... after chem... STR.... hoi... may himala dito... bad hair's day si sir Tafaleng... hahaha... pag ganun pala... mabaet siya... may topak... hehehe... ang baet nya ngayon.... sana lagi ka maubusan ng Gel sir!! .... after ay health... wah.... bakit parang nainis na si mam balangue?? hehe.... mabaet naman ako.. tahimik... ano pa hahanapin nya?? tapos ewan... hay sayang efforts ko... wala PE girls... malas nila... wahahahah ... tapos iyon.. .tapos na araw ko...

tapos naman... sa labas ng caf... nagkita kita mga Sampa... oh wow.. as in 7 ata kami nun.... tapos umakyat sa math department at wow.... nadadagdagan pa ng 3... oh man! ... pero sandali lng un...basta iyon...ang natira ung da usual.... ako Zy jem rayco... tumambay kami sa math department... at ano ginawa namin dun?? wala... pahangin.. aircon eh.. sayang naman kung di susulitin... tapos medyo pasolve solve kami ni rayco.... tapos nagyaya si Zy punta daw kami sa kabilang room... ung tae kwon do club... at iyon... nakita ko... mga taong mahilig manipa.... at sinisipa ang mga walang kalaban laban na Ham... alam mo un.. unh Ham?? ung sinisipa nila na parang ham... basta... umabot kami dun anggang 6... at umalis din... pagbaba....hay.... serte ng buhay na toh... hay... Bakit nakita ako ng nanay ko??! yan tuloy.. umuwi ako ng di oras.... oo nman kasi dpat 5 pa lang umuwi na ako... ...

HIGHLIGHT OF THE DAY : "ERIK!!" madaliang pumunta si Erik sa harapan upang kunin ang papel niya at notecards.... tinignan niya ang kanyang scores... at nagulat pumasa siya.... habang naglalakad ay may natapakan siyang bag at madalian inalis ang paa.... tamang tama lang... nung iniwas niya ang kanyang paa... pag baba nito ay nadapa sa isang di matandaang bagay.... at iyon... ANG LAKAS NG GRAVITY SA STR ROOM!! nadapa siya... tumama ang dalawang tuhod niya...  buong katawan bagsak sa sahig... at iyon... madami ang nakakita... once again.... tuloy pa din ang Legacy ni Erik... ANG BATANG LAMPA...

Song of The Day : dahil ako'y lampa... syempre ang kanta ko ay tungkol sa isang taong laging nadadapa

Julie Tearjerky

by Eraserheads

Julie Tearjerky on the phone
She says that I can't be alone
Yeah she was told that time is gold

Super strategy guide
Super strategy guide
Don't turn your back on an enemy
She doesn't look too friendly
It's a final fantasy

Nothing stays the same
Nothing stays the same

Bridge:

No comic books, no ugly looks
No flaming trees
Oh man, I need some more


I hear her calling my name
I hear her calling my name
Julie Tearjerky on the ground
She'll swallow anything that's round
Pick it up next time around
Nothing stays the same
Nothing stays the same

Repeat Bridge:

Need some more

No happiness, no loveliness
No emptiness
I wasn't here before
Here before
I hear her calling my name
I hear her calling my name

Interlude:

Repeat Bridge:


No happiness, no loveliness
No emptiness
I wasn't here before
I hear her calling my name
I hear her calling my name


Coda:

Julie Tearjerky on the phone
Julie Tearjerky on the phone
Julie Tearjerky on the phone
Julie Tearjerky on the phone


Friday, August 19, 2005

9:10... nasa confe ng mga pota... may katxt din... nangangati din pala.. ewan.. bigla may lumabas na mga red spot sa katawan ko.. or should i say... red DOTS... hehe.. maliit pero madami.. .argh.. kati dito.. kati doon... lagay lng ng lagay ng alcohol.. hay.. malalasing na ko dito... 70% alcohol kasi.. hay...

yon nagising ako maaga ngayoN!! wee.. 6:30... bkt nga ba?? siguro kasi.. natulog ako... 2:30... hehe... 2:30 PM! as in hapon.... pano ba kasi... walang tulog kanila jovi... siguro meron naman... 1 hr... hehe... pero kahit papano... masaya.... as in walang halong lungkot... kaya di masangkot...

iyon... masaya naman overnight kanila jOvEee... hehehe... una swimming... tapos dami kami nachibog dun... tapos dami din kami nilaro.. hehe... masaya siya overall.. dami ko ginawang stunts eh... una ung 360 sa cheering.. tapos ung sunud sunud na slide... tapos ewan.. mga kalokohan... hehe..

tapos un... punta sa bahay nila JOveee... at palaro laro ng basktetball.. hehehe.. nakaka pagdunk nga ko eh... asteeg... mga windmill.. tomahawk... two hand dunk... simple lang... ano ba standard height ng ring?? dba 6 ft?

tapos nuod kami... Windstruck.. di ko lam yon... prequel daw un ng my sassy girl... eh maganda daw iyon.. ewan.. basta.. maganda lang yung lead actress... as in... SOBra... magaganda din yung plot.. pero para sa akin masyado lang naging mabilis ang mga pangyayari sa movie.. hehe..

tapos nun.. iyon ikot ikot.. kwentuhan... apat na tao na wala sa sarili.. nag tipon tipon at naguusap... ako chino mich at new member... liean... hehe.. iyon... kasi nagsimula kaming 3 nung physics.. sabi to be continued sa bahay nila jovee... at ewan ko ba kung ano sumapi kay chino na sobrang lakas ng tama na kung anu anu pinagsasabi... ganyan talaga ang pagibig.. at kami ni mich.. tumatayong adviser.... hehe... tapos iyon... si liean... si "base from experience" na adviser ni chino... go chino.. kaya mo yan....

after nun.. natulog na ang karamihan sa amin... at ako... gising.. anggang 4:30.... di makatulog dahil kwento lng ng kwento.. pero ngayon 1 on 1.. hehe... la lang...

gising ng 5:30... pero tinamad tumayo... kaya diretso tulog anggang 6:30... tapos nun... Chibog ulet... bahay ni jovee.. parang bahay na di nauubusan ng pagkain... hmm... no wonder jovee... noh?? hehe.. jok peace tayo...

ligo.. lahat ng tao... inabot.. 2-3 hrs ata para matapos lahat... at iyon!! pumunta kami ng SM! iyon... kain muna BK.. at malas.. nahulog float ko.. cge order na lang ulet... at iyon.. nuod kami d'anothers... ok naman... much better than previous pinoy movies... pero halfway of the movie... oh man... i fell asleep... tapos i woke up... ung action scene na.. so malalaman mo na malapit na matapos.. .hay.. sayang... hehe... antok kasi.. tapos nagpasundo.... pagdating ng kotse natulog na ko.. 2:30 na ata nun.. tapos dumating kami sa bahay bandang 3:30-4... at iyon... diretso tulog anggang 6:30 ngayon.. hehe... tapos ngayon... la ako ginawa.. manood TV.. Maglaro.. iyon lang...



Next 5 >>

Kwentuhan Portion

<bgsound src="http://www.tristancafe.com/music/flash/stay_cueshe.html" loop="infinite">